Ligtas at nasa maayos nang kalagayan ang may 200 Pilipino Hajj Pilgrims matapos ma-stranded sa Muzdalifah.
Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Riyadh, matagumpay na naihatid ang mga na-stranded na Pilipino patungong Mina.
Nilinaw din ng Embahada na walang Pilipino na dumanas ng matinding kundisyong medical.
Gayunman, may ilan na kinailangan ding bigyan ng atensyong medikal matapos mahilo dahil sa matinding init ng panahon.
Tulong-tulong ang mga opisyal at tauhan ng Embahada sa Riyadh, Konsulada ng Pilipinas sa Jeddah, Office of Hajj Attaché sa Jeddah at National Commission on Muslim Filipinos para matugunan ang pangangailangan ng mga kababayan doon.
Sa katunayan, personal pang binisita ni Charge d’ Affairs Rommel Romato ang mga Pinoy Pilgrims sa Mina upang kumustahin ang kanilang kalagayan.
Nagpasalamat naman ang mga Opisyal ng Pilipinas sa Saudi Government sa agarang tulong na ipinaabot nito, masiguro lamang ang kaligtasan ng mga kababayang dumalo para sa Hajj pilgrimage. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News