dzme1530.ph

20 mangingisda mula sa Zambales, pumalaot para palagan ang fishing ban ng China

Pumalaot patungong Bajo de Masinloc ang grupo ng 20 mangingisda para iprotesta ang fishing ban na ipinatupad ng China sa South China Sea.

Isang misa ang idinaos ng grupong PAMALAKAYA bago lisanin ng mga mangingisda ang bayan ng Masinloc, sa Zambales, sakay ng kanilang mga bangka upang igiit ang kanilang karapatan sa West Philippine Sea.

Ayon sa mangingisdang Pinoy, hindi sila natatakot na pumunta sa Bajo de masinloc dahil itinuturing nila itong teritoryo ng Pilipinas.

Anila, kung hindi natin ipaglalaban ang ating karapatan sa Scarborough shoal at tuluyan itong kukunin sa atin ng China.

Partikular na tinututulan ng grupo ang idineklarang fishing ban ng China simula May 1 hanggang Sept. 16 at ang banta ng kanilang coast guard na ikukulong ang mga dayuhang papasok sa kanilang teritoryo.

 

About The Author