Lumagda ang Lloyd Laboratories ng Pilipinas at US-based DifGen Pharmaceutic sa $20 Million Dollar Joint-Venture Agreement para sa pagpapalakas ng lokal na produksyon ng gamot sa bansa.
Sa ilalim ng kasunduan, itatayo ang kauna-unahang US FDA Approved Manufacturing Facility sa bansa.
Magtutulungan din ang dalawang kumpanya sa paghahain ng Abbreviated New Drug Application at Marketing ng Jointly Developed Pharmaceutical Products.
Ang piramadong kasunduan ay ipinirisenta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa sidelines ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa San Francisco, United States.
Para kay Marcos ang nasabing kasunduan ay mahalagang hakbang sa pagtataguyod ng competitive at masiglang Pharmaceutical Industry.
—Ulat ni Harley Valbuena, DZME News