Pormal nang nanumpa ang halos 13 gobernador at anim na alkalde bilang mga bagong miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa oath taking ceremony sa kanilang Manila headquarters.
Pinangunahan ni PFP National President and South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. ang seremonya kasama sina PFP – Manila Chairman Atty. Alex Lopez. at PFP Secretary General Gen Tom GT Lantion.
Kabilang rin sa mga nakilahok sina NAPC Secretary Lope Santos III, NAPC Usec. Girli, Regional Chairs Doc Gilda Peralta, Eros Henzon San Juan, Bong Amin, OFW Chairman Saidah, at Councilor Chikee Ocampo na hosts naman ng event.
Sentro ng naturang seremonya ang mga adbokasiya ng kanilang samahan na magpapatibay ng suporta, at magagandang programa ng gobyerno na pinamumunuan ng Marcos administration.
Sa pagtatapos ng oath taking ceremony, binuksan at ipinakita ni PFP Manila City Chairman Atty. Alex Lopez ang kanilang tahanan sa mga miyembro ng PFP upang maging tuluyan ng mga bisita o venue ng official business habang sila ay nasa Manila.
Ilan sa mga bagong miyembro na nanumpa ay sina: Gov. Imelda Dimaporo; Gov. Aan Hofer ng Zamboanga Tibuguy; Gov. Ricarte Padilla; Gov. T Duin Tabahib; Gov. Christion Noveras; Gov. Frico Aumentado; Gov. Dorothy Gonzaga; Gov. Eduardo Gadian; Gov. Malon Cagco-Protames; Vice-Gov. Faren Agaymy; Vic-Gov. lgnacia Villa; Mayor German Caccum; Mayjor Redro poncio; Mayor Celso B. Batallones; Mayor Fonothon Nanud; Mayor Presailla Babalo. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News