dzme1530.ph

2 tumatakbong kagawad sa Cotabato City, patay!

Patay ang tatlo katao, kabilang ang dalawang kadidato sa pagka-barangay kagawad habang dalawa ang malubhang nasugatan nang pagbabarilin habang nagkakabit ng campaign posters sa Cotabato City.

Ilang minutong tumagal ang putukan sa Sousa Extension sa Barangay Rosary Heights 12 na nagresulta sa pagkamatay nina Nurmoqtadir Butucan at Alfar Sing Ayunan, at residente na si Faisal Abas.

Sina Butucan na taga-barangay Rosary Heights 12, at Ayunan na taga-barangay Kalanganan 2 ay kapwa tumatakbong Barangay Kagawad sa nalalapit na eleksyon.

Sugatan din ang dalawang iba pa na sina Saipul Sapalon at Fajeed Daud sa pamamaril ng mga salarin.

—Ulat ni Lea Soriano-Rivera, DZME News

About The Author