dzme1530.ph

2 tonelada ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit ₱13-B, nakumpiska sa Batangas

Tinaya sa dalawang tonelada ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit ₱13.3-B ang nasabat ng mga otoridad sa Alitagtag, Batangas.

Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, ito na marahil ang pinakamalaking nakumpsikang droga sa kasaysayan ng bansa.

Naglatag ang Alitagtag Municipal Police Station ng checkpoint sa Barangay Pinagkrusan na nagresulta sa pagkakakumpiska sa mga iligal na droga.

Nasakote rin ang lalaking suspek at isinailalim sa kustodiya ng mga otoridad.

About The Author