dzme1530.ph

2 tauhan ng Coast Guard na nakatalaga sa Binangonan, Rizal, sinibak!

Kinumpirma ni PCG Commandant, CG Admiral Artemio Abu sa Pulong Balitaan ng Coast Guard headquarters, na sinibak na ang dalawang tauhan ng coast guard na nakatalaga sa Binangonan, Rizal dahil sa hindi pagtupad sa kanilang mga tungkulin.

Iginiit ni Abu na gugulong ang imbestigasyon laban sa kapitan ng bangka at mga kasama nito dahil sa hindi pagsabi ng katotohanan hinggil sa nilalaman ng MB Princess Aya kaya nangyari ang trahedya.

Muli namang sinabi ni PCG Commandant Abu, na pag-iibayuhin at paiiggtingin pa nila ang seguridad, mga panuntunan, pasahero at manifestation list, upang hindi na maulit ang kahalintulad na maritime incident.

Magugunita na mistulang naging box ang mga pasahero sa loob ng bangka nang mangyari ang insidente, dahil sa lakas ng alon at hangin.

Samantala patuloy ang isinasagawang search and retrieval operation ng mga ahensiya ng pamahalaan upang maresolba ang insidente.

Sa pinakahuling report ng PCG HQ ng Coast Guard Sub-Station Binangonan, alas-7:00 kagabi na nasa 40 na ang survivor, habang pumalo na sa 26 ang pumanaw kung saan 14 ang identified at 12 ang hindi pa nakikilala.

Nabatid na ala-1:10 ng hapon, kahapon, sa clearance ng boarding team, 22 lamang ang deklaradong pasahero sa manifest.

Kaisa sa retrieval operation sina CG Rear Admiral Hostillo Arturo Cornelio; Acting Commander CG NCR-SL; Regional Director PRO 4A PBGen Carlito Gaces; Municipal Councilor Binangonan Jerome Antiporda; Dr. Angelito Dela Cuesta; Municipal Health Office; Rizal Police Provincial Office; Jose Hernandez, MDRRMO Head; Reyan Derick Marques, Office of Civil Defense; at Rizal PNP sa pangunguna ni PCol Dominic Baccay. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author