dzme1530.ph

2 suspek sa pagpatay sa 8-anyos na batang babae sa Iligan, arestado

Loading

Arestado na ang dalawa sa tatlong suspek sa pagpatay sa isang walong taong gulang na batang babae sa Timoga, Barangay Buru-un, Iligan City.

Naaresto ang unang suspek, isang 24-anyos na lalaki, sa isang pot session. Nahuli naman ang isa pa sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad.

Batay sa imbestigasyon, sinakal ang bata hanggang sa mamatay at pinaniniwalaang ginahasa, dahil natagpuang nakababa ang kanyang pambabang saplot.

Ayon sa kasamang 10-anyos na bata, inalok umano ng mga suspek ang biktima ng ₱1,000 upang sumama sa kanila habang sila ay nagsi-swimming kasama ang iba pa nilang kaklase. Hindi nakasama ang ibang bata dahil sa iniindang sakit, kaya’t ang biktima lamang ang sumama. Mula noon ay hindi na ito nakita.

Apat na araw matapos ang pagkawala, natagpuan ang bangkay ng biktima sa isang mabato at madamong bahagi malapit sa sapa.

Patuloy naman ang manhunt operation para sa ikatlong suspek sa likod ng karumal-dumal na krimen.

About The Author