Nabuwal ang isang century-old Acacia Tree sa harap ng Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist sa Taytay, Rizal dulot ng Bagyong Aghon nitong Linggo, Mayo 26.
Bumagsak ang puno habang isinasagawa ang Banal na Misa sa loob ng Taytay Basilica bandang 9:00 ng Umaga.
Dalawang sasakyan ang naiulat na nabagsakan, wala namang naitalang nasugatan sa insidente.
https://x.com/dzmenews/status/1794632842942796168
Agad namang kinurdunan ng mga awtoridad ang paligid ng insidente.
Ayon sa pamunuan ng Simbahan, tinatayang 18th century pa ay nakatayo na ang Acacia Tree, kaya ikinalulungkot ng komunidad ang pagkabuwal nito.
Itinuturing bilang ‘iconic natural landmark’ ang Acacia Tree sa lugar dahil naging saksi ito sa mayamang kasaysayang ng Simbahan sa paglipas ng panahon.