dzme1530.ph

2 Pinoy, kumpirmadong nasawi sa pag-atake ng Hamas sa Israel

Kinumpirma mismo ni Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Enrique Manalo ang pagkasawi ng dalawang Pilipino kasunod ng pag-atake ng mga rebeldeng Hamas sa bansang Israel.

Sa kaniyang “X” post, sinabi ni Manalo na mariing kinukondena ng Pilipinas ang nagpapatuloy na gulo sa Israel na nagresulta sa pagkasawi ng mga kababayang Pilipino roon.

Kasunod nito, sinabi ni Manalo na handa ang Pilipinas na tumulong sa iba pang mga bansa para sa pagtatamo ng pang-matagalang kapayapaan sa lugar alinsunod na rin sa prinsipyo ng UN Security Council Resolutions.

Dagdag pa ni Manalo, patuloy ding aalalay ang pamahalaang Pilipinas sa mga kababayang naiipit sa gulo sa naturang bansa gayundin sa Palestine. –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author