dzme1530.ph

2 piloto ng Philippine Air Force nasawi sa pagbagsak ng eroplano

Dalawang piloto ng Philippine Air Force (PAF) ang nasawi matapos bumagsak ang kanilang eroplano sa Bataan, Miyerkoles ng umaga, ayon kay Philippine Air Force Spokesperson Col. Ma Consuelo Castillo.

Kinilala ang dalawang nasawing piloto na sina Major Ian Gerru C. Pasinos at John Paulo Aviso lulan ng SF-260TP aircraft.

Ayon sa PAF, lumipad ang eroplano 10:00 ng umaga mula sa Major Danilo Atienza Air Base sa Sangley Point, Cavite bilang bahagi ng “recurrency training” ng mga piloto.

10:40 ng umaga huling namataan ang eroplano pababa sa Sitio Tabon, sa Barangay Del Rosario at tuluyang bumagsak. Na-rekober ang labi ng mga biktima at dinala sa Martinez Funeral Homes sa bayan ng Pilar.

Nangako naman ng tulong ang PAF sa pamilya ng mga nasawing biktima.

Ang nasabing SF-260TP aircraft ay ginamit sa Marawi siege at sa iba’t-ibang combat mission ng PAF na may kakayahan sa close air support, battlefield air interdiction, aerial reconnaissance, persuasion flight, at aerial demonstration.

Patuloy ang imbestigayon ng mga otoridad sa naging sanhi ng pagbaksak ng nasabing eroplano.

About The Author