dzme1530.ph

2 patay, 8 sugatan bunsod ng pananalasa ng bagyong Julian

Dalawa ang napaulat na nasawi habang walong iba pa ang nasugatan bunsod ng matinding buhos ng ulan at malalakas na hanging dala ng bagyong Julian.

Sa pinakahuling situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), isa ang naiulat na nasawi sa Ilocos Region at isa rin sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Ang walo namang nasugatan ay pawang mula sa Cagayan Valley habang isa ang kumpirmadong nawawala.

Kabuuang 58,953 families o 211,000 individuals mula sa regions 1, 2, at CAR ang naapektuhan ng bagyo.

Una nang idineklara ang State of Calamity sa 23 munisipalidad at lungsod sa Ilocos Region habang anim sa Cagayan Valley. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author