dzme1530.ph

2 pang senador, nadagdag sa listahan ng mga tutol sa panukalang diborsyo

Dalawa pang senador ang naidagdag sa talaan ng mga tutol sa ipinanukalang diborsyo habang isa pang miyembro ng Mataas na Kapulungan ang naisama sa listahan ng mga pabor.

Sa pinakahuling datos, kabuuang siyam na senador na ang nagpahayag ng pagtutol makaraang madagdag sa listahan sina Senators Cynthia Villar at Nancy Binay.

Dagdag ang mga ito sa mga nauna nang nagsabi na hindi sila papayag sa diborsyo sa bansa na sina Senate President Francis Chiz Escudero at Senators Francis Tolentino, Joel Villanueva, Bato dela Rosa, Jinggoy Estrada, Migz Zubiri at Koko Pimentel.

Sa kanya namang pinakahuling pahayag, sinabi ni Sen. JV Ejercito na kung ngayon pagdedesisyunan ang Divorce Bill ay papabor siya dito.

Una nang nagpahayag ng pagpabor sina Senators Robin Padilla, Grace Poe, Risa Hontiveros, Imee Marcos, Pia Cayetano at Raffy Tulfo.

Nananatili namang wala pang posisyon sa panukala sina Senators Bong Go, Lito Lapid, Loren Legarda, Mark Villar, Win Gatchalian at Alan Peter Cayetano habang pinag-iisipan pa nina Senators Sonny Angara at Bong Revilla.

About The Author