dzme1530.ph

2 pang radar systems, inaasahang maide-deliver sa bansa sa susunod na dalawang taon

Dalawa pang natitirang Japanese Radar Systems na inorder ng Pilipinas ang inaasahang darating sa susunod na dalawang taon.

Ito ay para palakasin pa ang surveillance capability ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa external threats.

Umorder ang Department of National Defense (DND) ng apat na air surveillance radar systems mula sa Japan na nagkakahalaga ng P5.5-B.

Kahapon ay dumating ang Mobile-type long-range air surveillance radar habang ang isang fixed radar system ay naka-install na sa Wallace Air Station sa San Fernando City, La Union, noon pang Disyembre ng nakaraang taon

Ang mga radar ay bahagi ng Horizon 2 o second phase ng AFP Modernization program.

About The Author