dzme1530.ph

2 pang police personnel, nag-positibo sa confirmatory drug tests

Kinumpirma ni PNP Spokesperson Colonel Jean Fajardo na dalawa pang police personnel ang nag-positibo sa confirmatory drug tests.

Sinabi ni Fajardo na dalawa pang non-commissioned officers ang positive sa paggamit ng iligal na droga, bukod sa kasisibak lamang na si Mandaluyong Police Chief, Colonel Cesar Gerente.

Inihayag ni Fajardo na isinailalim sa confirmatory drug tests ang mga opisyal kasunod ng random drug tests na isinagawa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong nakalipas na buwan.

Idinagdag ng PNP official na hinihintay pa nila ang update mula sa NCRPO hinggil sa designated areas o units ng dalawang pulis. –sa panulat ni Lea Soriano

About The Author