dzme1530.ph

2 pang mpox cases, na-detect sa Metro Manila

Nadagdagan pa ng dalawa ang kaso ng Mpox sa bansa, dahilan para umakyat na sa 12 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng naturang virus sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Health, ang pang-11 kaso ay isang 37-taong gulang na lalaki mula sa National Capital Region na nagsimulang dapuan noong Aug. 20 ng mga sintomas, gaya ng kakaibang rashes mukha, braso, binti, ibaba ng dibdib, palad at talampakan.

Sa paunang imbestigasyon, walang exposure ang pasyente sa sinumang may kahalintulad na sintomas, subalit inamin nitong nagkaroon ito ng “close, intimate, at skin-to-skin contact” 21-araw bago magsimula ang kanyang mga sintomas.

Ang pang-12 kaso naman ay 32-taong gulang na lalaki na mula rin sa Metro Manila na nagsimula noong Aug. 14 ang sintomas, na sugat sa kanyang singit.

Inamin din nito na nagkaroon siya ng “close, intimate, at skin-to-skin contact” sa isang sexual partner. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author