Nag-deploy ang Philippine Coast Guard (PCG) ng karagdagang dalawang barko para tiyakin ang kaligtasan ng mga kasama sa Civilian Mission ng ‘Atin ito’ Coalition sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea.
Kasunod ito ng mga ulat na nasa tatlumpung Chinese vessels, kabilang ang isang barkong pandigma ng China ang namataan sa Scaborough Shoal.
Ayon kay PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, ang karagdagang mga barko ay kinabibilangan ng BRP Panglao at BRP Boracay.
Aniya, ang dalawang barko ay mga 24-meter patrol boats na mabibilis at madaling i-maniobra.
Una nang naiposisyon ng PCG ang 44-meter vessel na BRP Bagacay at isang aircraft para sa ikalawang civilian mission ng ‘Atin Ito’ coalition