Dalawang malalaking ospital sa Maynila ang nag-deklara ng full capacity, dahilan para mawalan sila ng kakayahang tumanggap ng karagdagang mga pasyente.
Sa advisory, kahapon, sinabi ng Manila Public Information Office na puno ang emergency rooms ng Ospital ng Maynila Medical Center at Gat Andres Bonifacio Medical Center.
As of June 2022, ang Ospital ng Maynila ay mayroong approximate capacity na 300 beds habang ang Gat Andres Bonifacio Medical Center ay mayroong capacity na 150 hanggang 200 beds.
Hinikayat naman ng Lokal na Pamahalaan ng Maynila ang publiko na magtungo muna sa ibang public hospitals hanggang sa maresolba ng dalawang ospital sa lungsod ang kanilang full capacity status. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera