dzme1530.ph

2 miyembro ng NPA, patay sa engkwentro sa Albay

Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napaslang sa pakikipagbakbakan sa tropa  ng pamahalaan, sa Guinobatan, Albay.

Ayon sa militar, nakasagupa ng tropa ng pamahalaan ang nasa 12 rebelde sa Barangay Balolo.

Narekober ng mga sundalo sa encounter site ang isang M16 assault rifle, isang M635 rifle, dalawang anti-personnel mines, iba’t ibang propaganda materials, at limang backpacks.

Wala namang casualty na naiulat sa panig ng militar. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author