Dalawang mangingisdang Pilipino mula sa Batanes ang nailigtas ng Taiwanese Coast Guard makaraang maligaw sa karagatan ng Kaohsiung.
Ito’y matapos masira ang makina ng kanilang bangka sa gitna ng masungit na panahon.
Sinabi ni MECO chairperson Silvestre Bello III na namataan ng crew ng fishing vessel Man Sheng FA No. 6 ang distressed Filipino fishermen kaya ni-report nila ang insidente sa Taiwan Coast Guard.
Agad naman aniyang tumugon ang TCG at sinagip ang dalawang Pinoy na ngayon ay nanunuluyan sa isang shelter sa Kaohsiung at iuuwi sa Pilipinas matapos sumailalim sa debriefing at maiproseso ang documentary requirements.
Pinasalamatan din ni Bello ang lahat ng opisyal ng Taiwan na tumulong sa rescue operation. —sa panulat ni Lea Soriano