dzme1530.ph

2 malalaking online shopping platforms, pinagpapaliwanag ng DTI

Nagbigay ng 72 oras na ultimatum ang Department of Trade and Industry (DTI) laban sa 2 higanteng online shopping app upang ipaliwanag kung bakit naglipana sa kanilang platform ang mga scammer na nakasisira sa kredibilidad ng e-commerce sa bansa.

Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, nakarating sa kaniya ang kaliwa’t kanang reklamo hinggil sa hindi magandang serbisyo ng mga naturang online shopping application.

Sinabi ng kalihim, kabilang sa mga natatanggap niyang reklamo ay ang paglipana na mga scammer kung saan, nag-aalok ito ng mga mapanlinlang, hindi patas, hindi makatuwiran at hindi makatarungang pagbebenta ng produkto.

Dahil ditto, ipinag-utos ni Pascual sa 2 malalaking e-commerce platform o online shopping app na Shopee at Lazada na magpaliwanag.

Kasunod nito, binigyang diin ni Pascual na kanilang paiigtingin ang kanilang kampaniya kontra sa mga mapanlinlang na pagbebenta ng produkto at tiniyak nito sa publiko na kanilang itataguyod at ipaglalaban ang karapatan ng mga consumer. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author