Pormal na itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang dalawang bagong Director II sa Land Transportation Office (LTO) sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr), ayon sa appointment letter mula sa Malacañang na may petsang July 31, 2025.
Batay sa dokumento, hinirang si Esteban Miano Baltazar Jr. bilang Director II kapalit ni Eduardo C. De Guzman, habang si Wendel Calinao Dinglasan naman ang itinalaga sa parehong posisyon, kapalit ni Baltazar.
Ang pagtatalaga sa dalawang opisyal ay isinagawa alinsunod sa mga umiiral na batas.
Nakasaad sa liham na maaari nang gampanan ng mga opisyal ang kanilang mga tungkulin matapos isumite sa Office of the President at Civil Service Commission ang kopya ng kanilang mga panunumpa sa tungkulin.
Ang dokumento ay pirmado ni Pangulong Marcos Jr..