Naaresto ng Manila Police District–Station Drug Enforcement Unit ang dalawang hinihinalang tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation sa Antipolo Street, Barangay 219, Tondo, Manila, pasado alas-10 kagabi, Setyembre 25.
Kinilala ang mga suspek na sina Queenzie Ann Mae Rulloda, alyas “Gel,” 25 anyos, at Leomar Guevarra, 31 anyos, kapwa residente ng Tondo.
Nasamsam mula sa kanila ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 13 gramo na may tinatayang halagang ₱88,400, kasama ang buy-bust money.
Ayon sa MPD, isinailalim na sa tamang proseso ang mga suspek at inihahanda na ang kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 para sa inquest proceedings.