dzme1530.ph

2 domestic flights, kanselado dahil sa masamang panahon

Kanselado ang ilang domestic flights ngayong araw dahil sa masamang panahon dulot ng bagyong Amang.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), kabilang dito ang flight ng Cebu Pacific na 5J 821/822 Manila-Virac-Manila at biyahe ng CebGo DG 6113/6114 Manila-Naga-Manila.

Ginawa ang kanselasyon ng mga flight bilang pag-iingat sa mga pasahero at crew ng eroplano.

Samantala, pinayuhan ng MIAA ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa kani-kanilang airline company para sa rebooking at refund ng kanilang flight. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author