dzme1530.ph

2 Bus natabunan ng landslide sa Davao de Oro

DEVLOPING: Dalawang bus ang natabunan sa pagguho ng lupa sa Barangay Masara, Maco sa Davao de Oro dulot ng patuloy na pag-ulan sa lalawigan.

Ayon sa Maco Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) nangyari ang landslide bandang ala-siete singkwenta, gabi ng martes.

Lulan ng dalawang bus ang mga manggagawa ng isang minahan malapit sa pinangyarihan ng landslide.

Puspusan ang sinasagang rescue operation ng mga otoridad sa mga natrap na pasahero sa loob ng bus.

Ipinagutos naman ang force evacuation sa mga residente malapit sa pinangyarihan ng trahedya, kabilang ang mga barangay ng Mainit, Tagbaros, Elizalde at Panibasan.

–Sa panulat ni Egbert Dizon, DZME News

About The Author