Sumadsad sa pantalan ng Batangas ang 2 barko sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Kristine
Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni Philippine Ports Authority Assistant General Manager Atty. Mark Jon Palomar na ang isang barko na Super Shuttle 2 ay kumalas sa pagkaka-angkla.
Nang pasukin ang barko ay wala na ang Kapitan nito, na maituturing umanong paglabag sa kanilang regulasyon.
Iniimbestigahan na ang insidente at mahaharap sa kaukulang kaso ang Kapitan kung mapatutunayang inabandona niya ang barko.
Samantala, ang isang barko naman na Cassandra Vessel ay nasa kustodiya ng Bureau of Customs matapos itong kumpiskahin noong nakaraang linggo.
Dahil sa paparating na bagyo ay hiniling na ito ay mailipat ng lokasyon ngunit hindi umano ito nasunod at natuklasang “unmanned” o wala nang tao sa barko. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News