Itinuloy ngayong Martes ng grupong MANIBELA ang ikalawang araw ng kanilang tigil-pasada para tutulan ang PUV Modernization Program ng pamahalaan.
Sinabi ni MANIBELA President Mar Valbuena na nasa 200,000 traditional Jeepneys mula sa kanilang mga kasapi sa buong bansa ang lumahok sa unang araw ng tigil-pasada kahapon.
Handa naman ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tugunan ang posibleng maging epekto ng nagpapatuloy na kilos-protesta ng mga operator at tsuper ng mga jeep.
Inihayag kahapon ng MMDA at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nabigo ang MANIBELA na maparalisa ang mga biyahe sa Metro Manila at napakaliit lamang ang naging epekto nito sa mga mananakay.