dzme1530.ph

2 araw na transport strike, hindi naka-abala sa commuting public —LTFRB

Nanindigan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi nagambala ang public transportation sa kabila ng dalawang araw na tigil-pasada ng PISTON at MANIBELA.

Sa statement, kagabi, kinontra rin ni LTFRB Chairperson, Atty. Teofilo Guadiz III, ang ibinida ng dalawang transport groups na matagumpay ang inorganisa nilang strike na nagsimula noong Lunes hanggang kahapon.

Iginiit din ni Guadiz na ang mga litratong kumalat sa Online kung saan mayroong kumpulan ng mga commuter na nag-aabang ng mga masasakyan, ay normal lamang na sitwasyon kapag weekdays.

Pinasalamatan din ng LTFRB chief si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa suporta nito sa Public Transportation Modernization Program, na patuloy namang pinapalagan ng MANIBELA at PISTON. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author