dzme1530.ph

2-araw na tigil-pasada ng PISTON at MANIBELA, umarangkada na

Umarangkada na ang dalawang araw na tigil-pasada ng transport groups na PISTON at MANIBELA, ngayong Lunes, sa harap ng nalalapit na April 30 deadline sa consolidation na bahagi ng PUV modernization program ng pamahalaan.

Sinabi ni MANIBELA Chairperson Mar Valbuena na itinuloy nila ang kanilang tigil-pasada, sa kabila ng umano’y pananakot ng mga pulis sa kanilang mga kasamahan.

Aniya, mayroon silang natanggap na report mula sa kanilang mga kasamahan na marami umanong mga pulis ang pumasyal sa kanilang mga terminal, kahapon.

Inihayag ni Valbuena na itinuring naman ito ng mga tsuper na hamon, para lalo nilang ituloy ang kanilang strike.

Sa pagtaya ng Manibela, hindi bababa sa 25,000 ang lalahok sa tigil-pasada sa National Capital Region at kanya-kanyang diskarte ng panawagan ang gagawin sa mga strike center.

About The Author