dzme1530.ph

2 abandonadong container na naglalaman ng 4 na mamahaling sasakyan, kinumpiska ng BOC

Nagsagawa ng physical examination ang BOC-Port Davao sa dalawang inabandunang container, na sinasabing naglalaman ng mga mamahalin at bagung-bagong sasakyan o luxury motor vehicles.

Napigilan ang tangkang pag-iimport ng mga ipinagbabawal na produkto matapos ang isinagawang verification sa database ng Customs.

Ang consignee ay hindi accredited sa Accounts Management Office.

Agad na kumilos at umaksyon ang nga awtoridad matapos makuha ang impormasyon ng BOC Port of Davao.

Sa pagsusuri na ginawa ng BOC, lumabas na ang naturang kargamento ay naglalaman ng apat (4) na luxury cars.

Ayon sa BOC, labag sa Executive Order 156 s.  2002 ang pag-import sa bansa ng walang kaukulang dokumento.

Ipinag-utos ng ahensya ang case build-up para sa agarang pagsasampa ng kasong criminal at administrative cases laban sa importer o consignee. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author