dzme1530.ph

2.5K bullying cases, naitala ng DepEd NCR sa katatapos lamang na S.Y. 2024-2025

Loading

Lumobo sa 2,500 ang bullying cases sa mga paaralan sa Metro Manila sa katatapos lamang na Academic Year 2024-2025 mula sa 2,268 noong School Year 2023-2024, ayon sa Department of Education (DepEd).

Upang matugunan ang nakaaalarmang pagtaas ng insidente ng pambu-bully sa mga eskwelahan, inihayag ng DepEd na nagsagawa sila ng “pinakamalaking” executive committee meeting, para pagsama-samahin ang concerned government agencies, civil society organizations, at academic experts.

Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na para epektibong malabanan ang bullying, hindi lang dapat tutukan ang loob ng mga paaralan, kundi pati na ang mga tahanan at komunidad na pinanggagalingan ng mga mag-aaral.

Idinagdag ng Kalihim na hindi lamang ito usaping pampaaralan, kundi national priority na nangangailangan ng whole-of-government at whole-of-society response.

About The Author