dzme1530.ph

2.2M Pilipinong nasa tobacco industry, apektado ng popularidad ng nicotine-free vapes

Tinatayang nasa 2.2 milyong Pilipinong nasa tobacco industry ang apektado ng popularidad ng nicotine-free vapes.

Sa pakikipagpulong kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang, iniulat ng Private Sector Advisory Council (PSAC )- Agriculture Sector Group ang pagtamlay ng demand sa tobacco dahil sa vape products.

Kaugnay dito, hinikayat ng grupo ang pangulo na maglabas ng kaukulang pondo para sa National Tobacco Administration Sustained Tobacco Enhancement Program.

Hinimok din itong magtakda ng mas mahigpit na mga panuntunan laban sa smugglers at retailers ng smuggled tobacco at illicit vapor products.

Samantala, ini-rekomenda rin ng PSAC sa pangulo ang pagtatatag ng specialized inter-agency committee na tutugon sa mga hamong kinahaharap ng micro, small, and medium enterprise exporters, gayundin ang pagtatatag ng one-stop-shop sa Dep’t of Agriculture para sa agricultural exporters.

About The Author