dzme1530.ph

1st class cadet, sinibak ng PNPA dahil sa pananakit

Tinanggal ng Philippine National Police Academy (PNPA) ang isang 1st class cadet dahil sa kasong maltreatment o pananakit sa kanyang kapwa kadete.

Ayon kay PNPA Director, P/MGen. Eric Noble, pinatawan ng expulsion ang hindi na pinangalanang kadete dahil sa reklamo ng isang plebo o 4th class cadet dahil sinikmuraan siya ng pinagsasabihan.

Agad namang inimbestigahan ito ng PNPA at natukoy ng PNPA Cadet Disciplinary Board na nagkasala ang suspek at agad na pinatawan ng expulsion ang naturang kadete.

Sinabi pa ni Noble na naghain din ng Motion for Reconsideration ang inirereklamong kadete ngunit ibinasura naman ito ng PNPA Board.

Pagtitiyak ni Noble na hindi nila kukunsintihin ang anumang uri ng karahasan sa hanay ng kanilang mga kadete. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author