dzme1530.ph

1st batch ng Nursing associates sa ilalim ng Clinical Care Associates program, sasabak na sa review sa Nov.

Iprinisenta ng Private Sector Advisory Council kay Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang developments sa Clinical Care Associates program, o ang pag-hire sa underboard nurses bilang healthcare associates sa mga ospital habang hindi pa sila sumasabak sa board exams.

Sa pulong sa Malakanyang, ini-ulat ng PSAC- Healthcare Sector Group na nakatakda nang sumalang sa review sa Nobyembre sa pitong Higher Education Institutions, ang unang batch ng 457 CCAs.

Pina-plano rin ang pagre-recruit ng 2nd batch para sa Nursing Board Exam sa May 2025.

Samantala, ilulunsad din ng grupo ang Enhanced Master’s in Nursing Program o ang 1-year accelerated master’s program para sa nurses.

Patuloy din itong nakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya para sa pagpapalakas ng Human Resources for Health programs, gayundin ang pagbuo ng Bilateral Labor Agreements at pagtataguyod ng Balik Nurse Program.

About The Author