Nasa isang milyong mga bata sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang nabakunahan na laban sa tigdas, ilang linggo makaraang ilunsad ng Department of Health ang immunization drive upang masugpo ang measles outbreak sa rehiyon.
Sinabi ni DOH Asec. Albert Domingo, na malapit na nilang maabot ang kanilang 1.3 million na target sa ilalim ng vaccination drive.
Tiniyak ni Domingo na hindi titigil ang ahensya hangga’t hindi nila naaabot, at lalagpasan pa nila ang naturang target.
Sa datos ng DOH, as of April 13, kabuuang 1,817 na kaso ng tigdas ang naitala sa buong bansa simula nang mag-umpisa ang 2024.
Apat na beses itong mas mataas kumpara sa mga kaso na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.