dzme1530.ph

1K civilian boats, kailangan sa WPS para matapatan ang maritime militia ng China

Nasa 1,000 civilian boats ang kailangang i-deploy sa West Philippine Sea upang mapantayan ang bilang ng Chinese Maritime Militia vessels na nasa lugar.

Pahayag ito ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Roy Vincent Trinidad, kasabay ng pagtiyak na suportado ng militar ang 100-boat civilian mission sa Scarborough Shoal sa May 15.

Idinagdag ni Trinidad na lahat ng aktibidad ng Filipino civic groups na magpapakita ng paninindigan sa West Philippine Sea, at tumatalima sa panuntunan ng pamahalaan ay kanilang susuportahan.

Inihayag ng mission organizer na “Atin Ito Coalition” na sa second iteration ng aktibidad, layunin nila na makapagsagawa ng “Peace and Solidarity Regatta” at makapaglatag ng markers o boya sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc.

About The Author