dzme1530.ph

1969 Miss Universe Gloria Diaz, tutol sa ilang pagbabago sa Miss Universe management

Tila hindi kumbinsido si first Filipina crowned Miss Universe Gloria Diaz sa bagong ordinansa ng Miss Universe management na maaari nang tumanggap ng nanay at may asawang aplikante sa prestihiyosong patimpalak.

Ayon kay Miss Gloria, dapat palitan ng universe na lang ang title ng pageant at hindi na miss universe dahil hindi na aniya “miss” ang may asawa kundi “misis”.

Mas maganda aniya na magkaroon na lamang sila ng hiwalay na contest tulad ng Mrs. Universe, Lesbian Universe, at Tranny Universe.

Nagsimula aniya ang mga pagbabago sa miss universe nung binuksan na nila ang application sa mga 28 years old, na para sa kanya ay “not very acceptable” dahil kapag mga ganyang edad na aniya ay may stable career na dapat. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author