Aabot sa 19 na mga sasakyan ang nagliyab habang nakaparada sa parking extension sa NAIA Terminal 3 sa lungsod ng Pasay.
Ayon sa initial report, labing-siyam na mga sasakyan ang nadamay sa sunog na nagsimula bandang 1:20 ng hapon. Mabilis ang naging pagkalat ng apoy sa ibang mga sasakyan dahil sa mga tuyong damo sa parking extension sa NAIA Terminal 3.
Pasado 1:57 ng hapon ng maideklarang fire out ang apoy ayon Manila International Airport Authority (MIAA) Rescue and Fire Fighting Division na siyang unang rumesponde sa sunog.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang malaman ang sanhi ng sunog at malaman ang halaga ng pinsala.