Kabuuang labing siyam na lugar mula sa dalawang distrito ng Quezon province, ang nagdeklara ng state of calamity bunsod ng pananalasa ng bagyong Aghon.
Kabilang sa isinailalim sa state of calamity sa unang distrito ang Tayabas City at mga bayan ng Lucban, Real, Infanta, Polilio, Panukulan, Sampaloc, Mauban, General Nakar, Burdeos, Patnanungan, Jomalig, at Pagbilao.
Sa ikalawang distrito naman, nasa ilalim din ng state of calamity ang Tiaong, Lucena City, Sariaya, Candelaria, Dolores, at San Andres.
Una nang nagdeklara ang Lucena City makaraang manalasa ang bagyong Aghon nitong weekend, na nagdulot ng malawakang pagbaha, pagkabuwal ng mga puno, at pagkasira ng mga palayan.
Sa datos mula sa Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), mahigit tatlunlibong pamilya o mahigit labinlimang libong indibidwal ang naapektuhan ng mga pagbaha sa lalawigan.