dzme1530.ph

19 domestic flights, kanselado dulot ng masamang panahon sa destinasyon nito

Umabot na sa 19 na domestic flight ang kinansela ngayong umaga dahil sa masamang lagay ng panahon sa destinasyon nito.

Sa abiso ng MIAA ng Media Affairs Division Office kabilang sa mga kinansela ang dalawang domestic flight ng PAL Express flight 2P 2198/2199 mula Manila-Laoag-Manila.

Kanselado din ang 13 domestic flights ng AirSWIFT na may biyaheng Manila-El Nido-Manila; dalawang flight mula Manila to Romblon at pabalik ng Manila; at dalawang flight mula Manila-Coron-Manila.

Suspendido din ang dalawang domestic flight ng Sunlight Air Flight 2R 637/634 Manila-Busuanga-Manila dulot pa rin ng masamang panahon.

Pinayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airlines para sa rebooking o refund ng kanilang pamasahe. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author