Nasa 19 na mga dayuhang pasahero na Burundian ng (East Africa), Ghanian (West Africa), Bangladesh, American at Pakistani nationals ang nanatili ngayon sa bagong bukas na transit lounge sa Ninoy Aquino international Airport (NAIA) Terminal 1.
Ang mga nasabing dayuhan na pawang mga pasahero ng Philippine Airlines ay pinigil ng Bureau of Immigration personnel sa kanilang pagpasok sa bansa dahil sa problema ng kanilang mga dokumento.
Nabatid na dito muna inilagay ang mga pasaherong na exclude dahil sa ibang kadahilanan at nilagyan lang ng hiwalay na harang sa loob ng transit lounge bago sila ibalik sa mga bansa na kanilang pinanggalingan.
Una nang pormal na binuksan ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang Transit Lounge na katabi lamang ng OFW lounge nitong nakaraang Miyerkules para sa mga pasaherong may mga connecting flight.