dzme1530.ph

180K PERSONNEL, IPAKAKALAT NG PNP PARA MAGBANTAY SA TRANSPORT STRIKE NGAYONG ARAW

Loading

Nasa 180,000 na tauhan ang ide-deploy ng Philippine National Police para magbantay sa isasagawang transport strike sa buong bansa, ngayong araw na ito.

 

Ayon kay PNP spokesperson, Police Brig. Gen. Randulf Tuaño, magkakaloob din sila ng libreng sakay para sa mga maaapektuhang sektor.

 

Tiniyak ni Tuaño na magpapatupad din ng maximum tolerance ang mga pulis na ipapakalat.

 

Umapela rin ang PNP sa grupo ng transportasyon na tumulong din sila sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang aktibidad ngayong araw na ito.

About The Author