dzme1530.ph

18 katao, patay, 33 sugatan matapos mahulog sa bangin ang isang bus sa Mexico

Binawian ng buhay ang 18 katao habang 33 ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang bus sa Mexico.

Kabilang dito ang 11 mga babae, pitong lalaki, habang 11 menor de edad ang sugatan.

Batay sa ulat ng Prosecutors Office sa Nayarit, nahulog ang tourist bus sa isang bangin na may lalim na 15 meters o 49.21ft. Mula sa tinatahak nitong kalsada na kumukonekta sa state capital ng Tepic at Puerto Vallarta.

Anila, nakipag-ugnayan sila sa iba’t ibang federal at state authorities para sa agarang pagresponde ng mga biktimang lulan ng nasabing bus.

Sa ngayon, patuloy na inaalam ng mga otoridad ang dahilan ng naturang insidente. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author