Nakapasok na sa Pilipinas ang Covid-19 Omicron sub-variant JN.1, natuklasan ang unang labing walong kaso sa pamamagitan ng Genomic Sequencing.
Ayon sa Department of Health (DOH) lahat naman ng mga naturang kaso ay nakarekober na.
Na-detect ang mga ito sa pamamagitan ng mga sample na nakolekta mula November 16 hanggang December 3.
Inihayag din ng DOH na sa kabuuan ay walang malaking pagtaas sa bilang o lumalang mga kaso.
Binigyang diin din ng ahensya na walang ebidensya na nagpapakita na mas malala o mas mabilis makahawa ang JN.1 na itinuturing ng World Health Organization (WHO) na “currently circulating variant of interest” bilang bahagi ng parent lineage nito na BA.2.86.
—Ulat ni Lea Soriano-Rivera, DZME News