Aabot sa 179 na proyekto na may pinagsama-samang halaga na ₱4.55-T ang binigyan ng go signal, hanggang nitong kalagitnaan ng Enero.
Ayon sa Board of Investments (BOI), kabilang dito ang 144 projects sa renewable energy na may investments na kabuuang ₱4.15-T.
Gayundin ang walong digital infrastructure projects na nagkakahalaga ng ₱352.13-B; apat sa manufacturing na nasa ₱36.9-B; at 23 sa food security na nagkakahalaga ng ₱14.37-B.
Ang Denmark ang nangungunang bansa na may equity distributions sa investments na namuhunan ng ₱416.4-B, sumunod ang The Netherlands, Switzerland, at Singapore. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera