Nagsagawa ng tatlong magkakahiwalay na operasyon ang PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) mula October 1 hanggang October 3.
Sa nasabing operasyon, aabot sa 176 na indibidwal ang naaresto dahil sa kani-kanilang warrants of arrest kaugnay ng kasong murder, attempted murder, homicide, rape, theft, estafa, at iba pa.
Kabilang sa mga naaresto ang ilan sa mga most wanted persons sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.
Bukod sa mga inarestong personalidad, nasabat din ng CIDG ang labing-apat na loose firearms sa ilalim ng Oplan Paglalansag Omega at mga ebidensyang aabot sa halagang P16-M mula sa tatlong operasyon.
Pinuri naman ni CIDG Director, Major General Robert Morico II, ang lahat ng tauhan sa buong bansa sa mabilis na operasyon at pagkakasabat ng mga armas.
Tiniyak ng opisyal na magpapatuloy ang CIDG sa paghahanap sa mga wanted personalities at sa mahigpit na pagpapatupad ng batas upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong bansa.