Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ligtas mula sa panibagong pag-atake ng Israel sa Yemen, ang 17 Filipino seafarers na bihag ng Houthi rebels.
Ayon sa Pangulo, kinumpirma ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh Saudi Arabia na nasa ligtas na kalagayan ang lahat ng Pinoy.
Kasabay nito’y tiniyak ni Marcos na hindi pa pinabayaan ng gobyerno ang Pinoy seafarers at ginagawa nito ang lahat upang sila ay mapauwi ng bansa.
Patuloy din umanong nakikiisa ang pilipinas sa mga bansang nananawagan ng agarang resolusyon sa gulo sa Middle East.
Mababatid na noong July 20 ay naglunsad ng air strikes ang Israel laban sa Houthi group sa Hodeidah Port sa Yemen.