Inanunsyo ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac ang provisional release para sa 17 Pilipino na inaresto sa Qatar dahil sa unauthorized political demonstration.
Sa press briefing, sinabi ni Cacdac na inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang concerned authorities upang tiyakin ang agarang paglaya mula sa detention ng 17 Pinoy.
Unang pinakawalan ang mga lalaki habang sumunod ang mga babae makalipas ang isa’t kalahating oras.
Nilinaw naman ng Kalihim na ongoing pa ang imbestigasyon, kaya’t hindi pa maaaring makauwi sa bansa ang mga Pinoy.
Pinatitiyak din aniya ni Pangulong Marcos ang ipagkakaloob na legal aid, at nais ding masiguro na nasa maayos na medical at physical condition ang mga Pilipino.