dzme1530.ph

17 OFWs inilikas mula Sudan —DFA

Kinumpirma ng DFA Office of Migrant Workers Affairs na ligtas na nakarating sa Jeddah, Saudi Arabia ang 17 pang mga Pilipinong inilikas mula sa Sudan.

Ang grupo ng mga OFW ay binubuo ng isang babae at 16 na lalaki, karamihan ay mga skilled worker na nagtatrabaho sa iba’t ibang kumpanya sa kabisera ng lungsod ng Khartoum na nagawang makatakas sa tulong ng kanilang mga kumpanya na nag-ayos ng kanilang transportasyon sa Port Sudan.

Sa ulat ng DFA, inalalayan ng Jeddah PCG Crisis Management Team, sa pangunguna ni Vice Consul Kristal Mary Padon Rabanal ang grupo ng 17 Filipino evacuees mula sa Port Sudan kahapon, May 1.

Sinalubong sila ni Consul General Edgar Tomas Auxilian sa pagdating sa King Faisal Naval Base sa Jeddah bandang alas-5:00 ng hapon.

Inilikas ang nasabing batch ng mga Pilipino mula sa Port Sudan ng isang barkong militar ng Saudi patungong Jeddah kasama ang daan-daang iba pang dayuhang mamamayan.

Nabatid na isa sa mga Pilipinong evacuees ay nagkaroon ng mild stroke isang linggo bago sumiklab ang kaguluhan sa Sudan na nagresulta para bahagyang maparalisa ang kanang braso. —sa ulat ni Tony Gildo

About The Author