dzme1530.ph

17 miyembro ng Abu Sayyaf Group, hinatulang guilty sa Sipadan kidnapping noong 2000

Guilty ang hatol ng Taguig Regional Trial Court sa 17 miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa kasong kidnapping and serious illegal detention, dahil sa pagdukot sa 19 na dayuhan at 2 Pilipino mula sa isang diving resort sa Sipadan Island sa Malaysia noong 2000.

Batay sa desisyon ng Taguig RTC Branch 153, guilty ang mga terorista sa 21 counts ng kidnapping and serious illegal detention with ransom, at sinentensyahan ang bawat isa ng reclusion perpetua, sa kada isang bilang ng kaso.

Inatasan din ang mga ito na magbayad ng kabuuang ₱300,000 para sa exemplary at moral damages sa bawat 21 biktima, kasama ang interest na 6% per annum mula sa petsa na ibinaba ang pinal na hatol hanggang sa mabuo ang bayad.

Gayunman, ilan sa mga sangkot na terorista, kabilang si Galib Andang alyas “Commander Robot” ay napaslang dahil sa tangkang pagpuga sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City, noong 2005, na kilala rin sa tawag na Bicutan Siege. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author